its sad when the people you know become people you knew, when you cant walk right past someone as if they were never a big part of your life..how you used to be able to talk for hours, and now you can barely even look at them. its just sad how things change, so much.

Home » Archives » 25. June 2006

love song

Sunday, June 25, 2006

by: sebastian PK 

iginawa kita ng tula

lumulutang sa mapait na alak

kasing pait ng ngiti mo

nung ika’y nagpaalam

 

maitim na tinta tumatakbo

sa mistulang lumuluhang

one-half lengthwise na papel

sing itim ng paningin ko

nung sinabi mo iba na mahal mo

 

eto mga kataga

matamis pa sa cotton candy

lamunin mo

tulad ng paglamon mo

sa aking iginuhit na paraiso

 

hindi ako galit

lumubog lang saglit

itong bangkang walang sagway

na pinaglagyan ko

ng aking rosaryo

at kalbaryo

 

nilalangoy ko

ang maputik na ilog

ng tadhana

pilit inaabot ang maputing buhangin

na iyong inaapakan

 

naghintay ako na iyong sagipin

pero hinagis mo saki’y

hindi lubid kundi barbwire

na dali-daling kumagat

sa aking mga pisngi

 

ako’y nagdurugo

habang hinihila mo

at bulag na nung ako’y

gumapang at lumuhod sa harap mo

 

sana’y hinayaan mo nalang akong malunod

sa malamig na tubig ng pag-iisa

sana’y wala ako dito ngayon

nakasabit sa ngiti ng buwan

nagyeyelong puso

at nagbabagang mata

 

isusuka ko nalang

itong aking pighati

bukas paggising ko

paracetamol lang katapat mo.

Posted by mushy at 8:25 pm | permalink | View this entry