its sad when the people you know become people you knew, when you cant walk right past someone as if they were never a big part of your life..how you used to be able to talk for hours, and now you can barely even look at them. its just sad how things change, so much.

Home » Post Item » break na tayo

break na tayo

Sunday, May 14, 2006

Marami ng dumating na pagkakataon

Mga pag-ibig na dinala ng panahon

Nabigay pagasa na ako’y umibig muli

Pero lahat lahat ay nauwing sawi

 

Napakahirap magpaka totoo

Mahalin ang taong di ka kuntento

Wala ding madaling paraan

Para sa pusong masasaktan

 

Mahirap magbitaw ng salita

Lalo nat dulot nito’y dalita

Pero ito ang katotohanan

Di na mababago kailanman 

 

Marami ng naging ganito

Lagi na lang pabago-bago

Ano ba talaga?

Patuloy ba akong aasa?

 

Ang pagmamahal ay di lamang puso

Kasama din nito pati ang ulo

At kapag hindi pumatas

Pwede itong magwakas

 

Marami akong dahilan

Alam kong hindi ka kawalan

Oo ikaw ay napakamakasarili

Pero wala akong masisisi

 

Ako man ay nasasaktan

Sa pagibig na iniwasan

Pero alam kong ito’y tama

Dahil di naman kita nakikita 

 

Maraming babagay sa inyo

Hindi lamang ako

Kasi di rin kayo babagay sa akin

Di niyo ba napansin?

 

Di naman ito nasayang

Wag sanang manghinayang

Marami tayong natutunan

Kahit naging kaguluhan

 

Aba at Malay natin

Baka balang araw, tayo pa din.

Ewan natin. pero para sa akin.

Wag na lang. 

Posted by mushy at 9:41 pm | permalink

Comments are closed.