its sad when the people you know become people you knew, when you cant walk right past someone as if they were never a big part of your life..how you used to be able to talk for hours, and now you can barely even look at them. its just sad how things change, so much.

Home » Post Item » Sana ako na lang..

Sana ako na lang..

Friday, May 12, 2006

Sana ako na lang ang unan mo

na niyayakap mo gabi-gabi.

Sana ako na lang ang panyo mo

na ipinampupunas mo sa iyong pawis.

Sana ako na lang ang kumot mo

na kasama mo sa malalamig na gabi

Sana ako na lang ang baso mo

na dinadapuan ng iyong labi.

Sana ako na lang ang alaga mong aso

na binibigyan mo ng halaga.

Sana ako na lang ang lapis mo

na nahahawakan ng iyong kamay.

Sana ako na lang ang relos mo

na tinititighan mo bawat sandali.

Sana ako na lang ang mga bituin

na nagpapalitaw sa iyong ngiti.

Sana ako na lang ang hangin

na kinakailangan mo para mabuhay.

Sana ako na lang..

Hindi sya…

Posted by mushy at 5:36 am | permalink

Comments are closed.